Asawa ni Jose

As a child who grew up in the suburbs, my mother always told me tales of where she grew up — in the mountains where drinking water were not delivered by pipes but by children clutching gallons to and fro the river and where afternoons are spent drying copras while the cycadas hum in the distance. They were not well-off so she had to strive at school so much as to land herself a college education, and to her luck she did. She also impregnated my mind of tales of lolo and lola feedings the guerillas, and of her gone old days where all the children, her including, had to tend to the farm in the early morn before getting dressed for school. I could not imagine with what industry my mother’s family had gone through, but this poem I wrote years ago could fill up the void of the things my then-young mind was not able to comprehend.

ASAWA NI JOSE
Sunday, September 28th, 2008
Dagmay, Sun Star Davao

Gabi’t ang kulisap lamang ang tanging
Umiikot sa lamparang nagngingingas sa tabi ng baul.
Hinipan ko ang alab nito’t
Napawi ang ilaw sa apat ng sulok nitong kwarto.
Tanging ang ilaw ng buwan ang sumisilip
Mula sa mga butas ng kawayang dingding.
Gabi’t ang at ingay ng hilik mo ang tanging
Pumupuno sa dampang tahanan ng ating pag-ibig.
Bumangon sa saglit at sinilip ang kuna ni Nena
Gutom pala kung kaya’t nag-iiyak.
Tahan anak, narito na ako.
Tahan anak, ‘di ka pababayaan ng nanay.
Nang mabusog na ang iyong bunso,
Inilapat muli sa kuna’t binihisan ang basang lampin.
Sinilip ko ang mga anghel nating nasa
Ilalim ng kulambong tadtad sa butas at sulsi.
Ang laki na pala ng mga anak mo
Balang araw, aalis rin sila dito’t magkakapamilya.
Gabi’t gutom ng bukas ang iniisip sa uli’t uli
Ang tangi ko lang hiling ay umangat.
Gabi’t madilim na nga ang atin, asawa ko
Gaano kaya ang sa mga supling natin?
Gabi’t walang katiyakan ang buhay sa bukirin
Makikita pa kaya nila ang liwanag ng umaga?

*also found at http://dagmay.kom.ph/2008/09/28/asawa-ni-jose/

Leave a comment